All-In Wedding Package vs Individual Suppliers: Which One’s Right for You, Sis?

If you’re newly engaged and just starting to plan, chances are naisip mo na rin ito: ano ba talaga ang mas okay – mag-book ng all-in wedding package, or mag-book ng suppliers individually?

Actually, the answer here varies for every bride. It depends on your priorities, budget, and preferences. Let me walk you through both: the pros, the cons, and the hidden costs so you and your partner can make smarter and informed choices.

I break this whole thing down in the video above; pwede mong panoorin right after reading this.

When an all-in wedding package makes sense

Kung ang priority ninyo ay makatipid sa oras at effort, an all-in package is a good option. Usually, isa na lang ang kausap ninyo, one team, halos kumpleto na ang suppliers. Kung wala naman kayong super clear na vision para sa wedding ninyo, mas kaunti ang kailangan ninyong isipin at i-manage.

Masusulit ninyo ito kung lahat ng inclusions sa package ay gusto ninyo at talagang magagamit. That’s the key phrase: magagamit talaga.

The risks of an all-in package (read this part carefully)

On paper, parang sobrang convenient ng all-in packages, pero may kapalit. Here’s what to watch out for:

  • Lahat ng wedding budget ninyo, nasa isang tao/team. Huwag ibase ang desisyon sa presyo at dami ng package inclusions lang. Sa pagpili ng wedding supplier o head coordinator, kailangan maging mabusisi sa pag-research. Basahin ang reviews, tingnan ang feedback ng past clients, at alamin ang kanilang track record. Kapag hindi maaasahan ang head coordinator na nakuha ninyo, hindi lang isang serbisyo ang maaapektuhan kundi posibleng ang buong wedding day ninyo. 
  • Limited ang design at styling options. Madalas may preset templates na sila. Kung may gusto kayong baguhin o palitan na supplier, may additional cost ’yan at minsan mas mapapamahal kayo sa mga upgrades. Minsan sa brochures or advertisement materials nila, upgraded package pala yung ipinapakita nila, tapos yung presyo na binayaran mo ay para sa Basic package lang. If you want the same styling kagaya sa brochure nila, you have to pay for the upgraded price.
  • Crew meals — this is a sneaky one. Isa sa mga hidden wedding costs na madalas ikagulat ng mga couples ay ang crew meals ng mga wedding supplier. May ilang suppliers na mababa ang package price, pero hindi agad ipinapaalam na kailangan pala ninyong magbigay ng pagkain para sa lahat ng staff nila sa wedding day. Depende sa dami ng crew, puwedeng umabot sa ₱20,000 hanggang ₱45,000 ang kabuuang gastos. Mas nakaka-stress kung ilang linggo na lang bago ang kasal saka nila ito sasabihin, dahil wala ka nang sapat na oras para maisama ang expense sa wedding budget at madalas ay wala ka nang ibang magawa kundi sundin ang request para maging smooth ang araw ng kasal.
  • Limited ang direct communication. Sa setup na ito, halos lahat ng updates, concerns, at requests mo ay dadaan muna sa head coordinator. Ibig sabihin, kadalasan ay wala kang direct communication sa ibang wedding suppliers tulad ng photographer, hair and makeup artist, stylist, o caterer. Lahat ng coordination nila ay dumadaan muna sa head coordinator, at sa kanya rin sila nagre-report, kahit ikaw ang mismong client.

Ganito ang sistema dahil ang head coordinator ang nagsisilbing middleman sa pagitan mo at ng mga suppliers. Imbes na ikaw ang direktang makipag-contract at magbayad sa bawat supplier, ibinibigay mo ang budget mo sa head coordinator. Siya na ang bahalang pumili, mag-book, at magbayad sa mga suppliers na kukunin para sa wedding mo.

Dahil ang head coordinator ang direktang nagbabayad sa kanila, siya rin ang itinuturing na pangunahing contact ng mga suppliers. Kaya kung may gusto kang ipa-update, baguhin, o itanong, kadalasan ay kailangan muna itong ipadaan sa head coordinator bago makarating sa supplier. Ito ang dahilan kung bakit maaaring mas mabagal ang communication kumpara sa setup na ikaw mismo ang direktang nakikipag-usap sa bawat wedding supplier.

So if you go the package route: basahing mabuti ang kontrata. Check the inclusions, tanungin kung required ba kayong mag-provide ng crew meals, at kung ilan.

When individual suppliers make sense

Kung ang priority ninyo naman ay ma-secure ang mga non-negotiable suppliers, gusto ninyong maging hands-on sa wedding planning, or may very specific kayong vision, mas bagay sa inyo ang mag-hire ng individual suppliers.

Dito, you can control every part of your wedding. Pwede ninyong i-handpick kung sino lang ang kukunin: ’yung talagang aligned sa taste, budget, at vision ninyo. Kung may bagay sa traditional wedding na ayaw ninyo, pwede ninyong i-skip; you book only what you need. Plus, may direct communication kayo sa bawat supplier dahil kayo mismo ang nag-book at nagbayad. Walang middleman; mas malinaw ang mga expectations.

The trade-off with individual suppliers

Siyempre, may kapalit ang freedom na ’yan:

  • Medyo mas matrabaho. Kayo ang magre-research, mag-i-inquire, makikipag-meeting, at magre-review ng contracts isa-isa. Kailangang detail-oriented kayo; bawat supplier may sariling terms.
  • Kailangan ninyo ng OTD (On-the-day) coordinator. On the wedding day, kailangan mo ng taong magmo-monitor at mag-e-execute ng lahat ng plano ninyo. Hindi naman puwedeng ikaw pa, bilang bride, ang mag-monitor sa lahat ng suppliers.

So… which should you choose?

Simple guide, sis:

  • Kung ang priority mo ay oras, effort, at convenience, at gusto mo ang lahat ng inclusions sa package — all-in package.
  • Kung ang priority mo ay maging hands-on, specific vision, at handpicked dream teamindividual suppliers (with an OTD coordinator).

Either way, dalawang bagay ang kailangan mong palaging gawin: basahin nang buo ang kontrata at linawin agad ang crew meals bago ka pumirma.

If you’re not sure where to even begin talking to suppliers, I made a free guide “Your First 30 Days as a Bride-to-Be” (video + PDF)  that gives you your first steps as a newly engaged bride. Get it free here.

And kung gusto mo ng full, step-by-step system on how to plan your wedding and book suppliers from day 1, including the exact questions to ask before you sign anything, that’s what my eBook Wedding Planning for the Clueless Bride-to-Be is for. It comes with checklists, a budget tracker, an RSVP tracker, and a list of questions to ask every supplier.

Whatever you choose, choose it on purpose. Happy preps, sis!

-Camille

Alin ang mas mura, all-in package or individual suppliers?

Madalas mas mababa ang sticker price ng all-in package, pero mag-ingat sa hidden costs tulad ng crew meals at upgrade fees. Ang individual suppliers ay mas mataas ang rates pero binabayaran mo lang ang kailangan mo. The cheaper option depends on your inclusions and how much you’ll actually use.

Ano ang crew meals at sino ang nagbabayad?

Crew meals are the packed meals for your suppliers’ staff on the wedding day, and usually the couple provides them. Sa all-in packages, minsan hindi ito kasama at umaabot ng ₱20,000–₱45,000 depende sa dami ng staff — kaya i-clarify mo agad bago pumirma.

Kailangan ko pa ba ng OTD coordinator kung may all-in package na ako?

Kung may head coordinator na ang package mo, siya na ang mag-e-execute on the day. Kung individual suppliers ang kinuha mo, oo — kailangan mo ng On-the-Day coordinator para hindi ikaw ang mag-monitor sa mga supplier habang ikaw ang ikakasal.

Ilang buwan bago ang kasal dapat mag-book ng suppliers?

As a general rule, start inquiring at least 6 months out, at mas maaga para sa in-demand na venues at photo/video teams. Booking early locks in your date and usually your price too.

Ano ang dapat kong itanong bago mag-book ng all-in package?

Tanungin ang exact inclusions, kung required kang mag-provide ng crew meals at ilan, ang cost ng upgrades o pagpapalit ng supplier, ang out-of-town fees, at kung paano ang communication flow. Hingin at basahin ang buong kontrata bago pumirma.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to top