Bakit Nag-Ooverbudget ang mga Ikakasal? 4 Hidden Wedding Expenses You Should Know About

When you’re newly engaged, and you sit down to make your wedding budget, usually ang nakalista ay ang major expenses like venue, catering, gown and barong, photo and video, wedding rings, hair and makeup, host, and so on.

Pakiramdam mo kumpleto na ’yan, “Okay na, kasya naman pala.” And most of the time, tama ang listahan mo; hindi mo naman agad maiisip na baka may kulang. May mga wedding expenses kasi na hindi agad naililista, parang maliliit lang na gastos, pero kapag pinagsama-sama, malaki na pala. Ito ang madalas na dahilan kung bakit nag-o-overbudget ang mga couples. Let’s fix that.

I walk through all four in the video above; you can watch this after reading.

The 4 hidden wedding expenses couples forget

1. Transportation and meals along the way

One of the most common hidden wedding expenses in the Philippines is your transportation and food every time you need to go out para mag-asikaso ng kasal.

Isipin ninyo ang lahat ng lakad na kabilang sa wedding planning. Kapag inaayos ninyo ang requirements para sa marriage license o church documents, may pamasahe ‘yan, o kung may sasakyan kayo, may gas at parking fees pa. Bukod pa ‘yan sa ocular visits sa venue, pagpunta sa bridal fairs, meetings with suppliers, food tasting, fittings, at paghahanap ng susuotin ninyo at ng entourage.

Bawat labas ninyo comes with transportation and meal cost. Kasi let’s be honest, pagkatapos ng mahabang errand, gutom na kayo. So kumakain kayo sa labas, minsan kasama pa ang parents ninyo or your friend. Maliit na gastos lang kada isa: ₱250 dito, ₱500 doon, pero sa dami ng beses na kailangan ninyong lumabas over several months, malaki na rin ang total.

Ito ang tricky part: hindi ninyo nafi-feel ang gastos na ito kasi hindi naman ito isang malaking major expense. Paunti-unti siyang lumalabas sa bulsa ninyo, kaya madaling ma-overlook kapag nagbu-budget kayo. That’s exactly why this belongs in your list of unexpected wedding costs, hindi dahil sa laki ng amount, kundi dahil sa daming beses na mangyayari ito.

2. Crew meals

Here’s something na madalas hindi alam ng couples until they read the fine print: karamihan ng suppliers ninyo will require you to provide meals for their team on the wedding day. Ito ang tinatawag na crew meals, food na obligasyon ninyong ibigay sa mga photographers, videographers, hair and makeup artists, coordinators, sound crew, at iba pang staff na magtatrabaho sa wedding ninyo.

Minsan hindi ito optional. Nakalagay mismo sa contract ng suppliers na kailangan silang pakainin during the event, or you have to provide meal allowance for them; minsan may amount pa na nakalagay. 

Usually, crew meals are provided as packed or boxed meals na mas affordable kaysa sa regular per-head rate ng catering.

Ito ang tricky part: hindi lang basta bilang ng suppliers ang pag-uusapan dito. Kasi hindi lang ito one meal per supplier. Depende ito sa kung gaano kahaba ang stay nila sa wedding ninyo, kung buong araw silang nandiyan, from morning prep hanggang gabi, some suppliers will require 2 to 3 meals plus 1 snack from you.

So pag tinotal ninyo lahat, photographer team, video team, HMUA at assistants nila, coordinators, sound at lights crew, tapos i-multiply ninyo sa dami ng meals at snacks per person, biglang napakarami na palang crew meals ang kailangan ninyong i-provide. And each meal has a cost, so napakalaking expense ito kung hindi mo mapapaghandaan.

3. Out-of-town fees or OOTF

Here’s a hidden wedding expense na madalas nakakagulat sa mga couples na pumipili ng destination or out-of-town venue: the out-of-town fee. Ito ang additional payment na sinisingil ng suppliers kapag ang venue ninyo ay malayo sa base o home city nila.

Halimbawa, sa Tagaytay ang kasal ninyo, pero galing pa sa Bulacan ang photographer ninyo. Dahil malayo ang biyahe, may extra charge na sisingilin sa inyo para sa dagdag na gastos ng supplier at ito ang tinatawag na out-of-town fee. The out-of-town fee usually covers their transportation, accommodation (kung kailangan mag-overnight), at meals during the trip. Kasi kung malayo ang venue, hindi naman fair na sagutin ng supplier ang lahat ng gastos para makarating sa kasal ninyo.

Ito ang tricky part: kadalasan, hindi pa kasama ang out-of-town fee sa professional fee or package rate na naka-quote sa inyo. So akala ninyo final na ang presyo, pero kapag malayo ang venue ninyo, biglang may dagdag na singil per supplier. At kung maraming suppliers ninyo ang galing pa sa ibang lugar like photographer, video, HMUA, coordinator, expect mo na mas malaki ang gastos ninyo para sa OOTF. 

4. Broken or missing rental items

Broken or Missing Rental Items: The Charge Na Dahil sa Mga “Pasalubong” ng Bisita

Madalas hindi ito napag-iisipan ng couples: the charge for broken or missing rental items after the wedding. Marami sa mga gamit sa reception ninyo, tulad ng centerpieces, table napkins, chargers, glassware, chairs, at iba pang decor, ay nirentahan lang. Naka-rent lang ang mga ito, at kailangang ibalik nang buo at kumpleto sa supplier pagkatapos ng event.

Ang problema? Minsan may bisita kayong tulad ni Tita Baby na ang tingin sa mga centerpieces at table napkins ay parte ng giveaways kaya iniuuwi nila. Minsan naman may mababasag na baso, may mawawalang utensils, or may masisirang decor. At kung may nawawala or nasira sa mga rental items, kayo ang sisingilin ng supplier for the replacement cost.

The smarter way to plan your budget

None of these are “big” expenses on their own. Pero sila madalas ang dahilan kung bakit lumalagpas sa budget ang couples, kasi hindi napaghandaan.

The simple rule: always keep a contingency budget. Magtabi kayo ng pondo para sa mga ganitong gastos, kahit 10% lang ng budget ninyo.

Here’s what that looks like: kung ₱300,000 ang budget ninyo, huwag ninyong planuhing gastusin ang buong ₱300,000. Mas magandang magplano ng wedding na ₱250,000–₱270,000 lang ang gagastusin, tapos i-reserve ang natitirang 10% para sa mga hindi inaasahang gastos. Kahit may lumabas na extra gastos, hindi sasakit ang ulo ninyo. Think of it as protection for your peace of mind.

If napaisip ka ngayon na “bakit parang ngayon ko lang ’to nalaman?” you’re not alone, and that’s exactly the point.

I made a free guide to get you started right “Your First 30 Days as a Bride-to-Be” (video + PDF), the first moves to make as a newly engaged bride so hindi ka maligaw sa umpisa. Get it free here.

And if you want to see every kind of expense, major or minor, laid out para wala kang makakalimutan at hindi ka na manghuhula, that’s exactly why I created Wedding Planning for the Clueless Bride-to-Be. It comes with a Budget Tracker that shows your need vs. actual, plus checklists and the questions to ask every supplier para financially smart ang buong journey ninyo.

Best time to get this guide? Habang wala pa kayong nasisimulan. Happy preps, sis!

— Camille

Bakit nag-o-overbudget ang mga ikakasal kahit nagtitipid?

Kadalasan dahil sa maliliit na gastos na hindi naisama sa budget — transportation, crew meals, out-of-town fees, at rental damages. Maliit lang, pero kapag pinagsama-sama, sila ang dahilan ng overbudget.

Magkano dapat ang contingency budget para sa wedding?

A safe rule is at least 10% of your total budget. Kung ₱300,000 ang budget mo, mag-plano ng ₱250,000–₱270,000 na gastos at itabi ang natitira para sa unexpected expenses.

Ano ang out-of-town fee sa wedding suppliers?

Ito ang dagdag bayad kapag malayo ang venue mo sa base ng supplier — pang-transpo, accommodation, at meals nila. Madalas hindi ito kasama sa professional fee, kaya itanong agad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to top